𝐀𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚

Ang Lalim ng Salita: Isang Paglalakbay sa Hindi Pangkaraniwang Bokabularyo

 January 21,2025

1. Sulatroniko- Email
2. Gunam-gunam- Deep thought or reflection
3. Baybayin-Ancient Filipino script
4. Alimpuyok-Rising Smoke or team
5. Halughugin- To search thoroughly
6. Duyog- Eclipse
7. Bughaw-Blue
8. Karimlan- Darkness
9. Panaghoy-Wailing or lamentation
10. Takipsilim-Twilight


Sa araw-araw nating buhay, madalas nating ginagamit ang mga salitang pamilyar sa atin. Subalit, mayroon ding mga salitang malalim na bihirang marinig ngunit punong-puno ng kahulugan. Gaya ng "sulatroniko," na sa panahon ng teknolohiya ay tila isang poetic na paraan ng pagtukoy sa email.

Sa gitna ng karimlan, nagugunam-gunam tayo tungkol sa ating mga buhay, hinahanap ang sagot sa mga tanong na tila nakatago sa alimpuyok ng usok. Sa takipsilim naman, ang bughaw na langit ay nagiging saksi sa ating mga panaghoy at pangarap.

Ang mga katagang tulad ng "baybayin" ay nagbibigay-pugay sa ating kasaysayan, habang ang "duyog" ay paalala ng kagila-gilalas na mga kaganapan ng kalikasan. Ang "halughugin" ay nagpapakita ng ating walang-kapagurang paghahanap—hindi lamang ng pisikal na bagay kundi pati ng ating layunin sa buhay.

Napakayaman ng wikang Filipino, at sa bawat salitang tulad ng "duyog" o "karimlan," tila ito’y nagbibigay ng bagong liwanag sa ating pagkatao. Muli nating buhayin ang mga salitang ito at ipamana ang mga ito sa mga susunod na henerasyon.